Connect with us

Panibagong lindol, yumanig sa border region ng Turkey at Syria

Panibagong lindol, yumanig sa border region ng Turkey at Syria

International News

Panibagong lindol, yumanig sa border region ng Turkey at Syria

Niyanig ng panibagong lindol ang border region ng Turkey at Syria ngayong araw, ika-21 ng Pebrero 2023 na may lakas na magnitude 6.4 ayon sa European-Mediterranean Seismological Centre (EMSC).

Nagresulta ang pinakabagong pagyanig sa pagkamatay ng hindi bababa sa tatlong katao samantalang 200 na iba pa ang sugatan.

Tumama ang lindol malapit sa defne sa distrito ng samandag ngunit naramdaman ito hanggang, Israel at Egypt.

Ang bagong lingol ay nangyari dalawang linggo lamang matapos ang dalawang malakas na pagyanig na may lakas na magnitude 7.8 na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 47,000 na katao sa parehong bansa.

More in International News

Latest News

To Top