Connect with us

Panlilinlang ng Makabayan Bloc, panahon na para wakasan – VP Sara Duterte

Panlilinlang ng Makabayan Bloc, panahon na para wakasan – VP Sara Duterte

National News

Panlilinlang ng Makabayan Bloc, panahon na para wakasan – VP Sara Duterte

Muling binanatan ni Vice Pres. Sara Duterte ang Makabayan Bloc kasunod ng pambabatikos ni dating Bayan Muna Rep. at Lumad Leader Eufemia Cullamat sa kaniyang pagsusuot ng tribal outfit sa State of the Nation Address ni Pang. Bongbong Marcos kamakailan

Ayon kay Vice Pres. Duterte natatawa lang siya sa mga mapagkunwaring pahayag ng Makabayan Bloc habang iniisip kung paano ayawan ng taumbayan ang Bayan Muna at iba pang makabayan bloc partylist groups na muling makalusot sa kongreso.

“I always have time for Makabayan Bloc. The laugh that i get reading Makabayan Bloc’s hypocritical and dramatically rehashed statements — while thinking about how the Filipino people rejected the bid of Bayan Muna and two other Makabayan Bloc partylist groups to once again infiltrate Congress and legitimize their existence,” ani VP Inday Sara.

Pagdidiin pa nito na sinungaling ang Makabayan Bloc at may “love affair” sa mga terorista at komunista.

“While pretending that we do not know about their ‘love affair’ with the NPA, the NDF  and the CPP — is a way to de-stress from all the challenges the Department of Education and the government need to address without the help of Makabayan Bloc, of course,” dagdag pa ni VP Sara.

Dagdag pa ng bise presidente na marami na ang naloko ng Makabayan Bloc dahil sa mga propaganda at pagsisinungaling nito.

Sa loob ng maraming panahon aniya, walang naglakas-loob na ilahad ang totoo laban sa grupo kaya aniya siya ang gagawa nito.

“Marami na ang naloko ng Makabayan Bloc. Magaling sila sa propaganda at sanay sila sa pagsisinungaling. Sa loob ng maraming panahon, walang naglakas-loob na ilabas ang katotohanan tungkol sa kanila. Gagawin natin ito ngayon,” saad pa ni VP Duterte.

Paglalahad pa ng pangalawang pangulo, marami na ang nalinlang ng Makabayan Bloc na batang Pilipino na sumapi sa NPA.

Pagtatanong pa nito na kung ilan na ang pangarap at kinabukasan ang nasira ng grupo at ilang bata na ang namatay bilang miyembro ng NPA.

“Ilang pangarap at magandang kinabukasan na rin ba ng mga kabataan na ba ang hinayaan ng Makabayan Bloc na masira sa loob ng maraming mga taon? Ilang kabataan na ba ang namatay bilang NPA,” giit pa nito.

Ayon pa kay VP Duterte, ang pagsasabi ng katotohanan laban sa Makabayan Bloc at sa mga teroristang grupo ay hindi red tagging. Pagbibigay diin ng bise presidente, panahon na upang wakasan ang panlilinlang ng Makabayan Bloc sa taumbayan.

More in National News

Latest News

To Top