Connect with us

Panukala ni Sen. Tolentino na price control, sinang-ayunan ng DTI

Panukala ni Sen. Tolentino na price control, sinang-ayunan ng DTI

National News

Panukala ni Sen. Tolentino na price control, sinang-ayunan ng DTI

Ikinatuwa ni Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino ang desisyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng price control sa gitna ng dinaranas na El Niño phenomenon at inflation sa bansa.

Sa isang interview sinabi ni DTI Asec. Amanda Marie Nograles na may ilang manufacturers na ang pumayag na magpatupad ng voluntary price freeze matapos pakinggan ang suhestyun ni Sen. Tolentino.

Sinabi pa ni Asec. Nograles na 3 manufacturer na ang nakiisa sa price freeze at sa susunod na lingo ay maglalabas ang DTI ng listahan ng mga produkto na sakop ng price freeze.

Magugunitang ilang beses na nanawagan si Sen. Tolentino para sa agarang pagpapatupad ng price freeze upang mabawasan ang hirap ng ating mga kababayan na nakakaranas ng matinding init ng panahon.

More in National News

Latest News

To Top