Connect with us

Panukalang ₱10-B ayuda para sa mga maliliit na sakahan, inihain sa Kamara

Naghain ng panukala si Leyte Rep. Martin Romualdez ng ₱10 bilyong ayuda para mabigyan ng tulong ang mga maliliit na magsasaka.

National News

Panukalang ₱10-B ayuda para sa mga maliliit na sakahan, inihain sa Kamara

Naghain ng panukala si Leyte Rep. Martin Romualdez ng ₱10 bilyong ayuda para mabigyan ng tulong ang mga maliliit na magsasaka.

Layunin din ng nasabing panukala na palawigin pa ng dalawang financial institution ng gobyerno ang lending programs para sa mga maliliit na negosyo sa buong bansa.

Ang House Bill No.1 ay naglaan ng ₱7.5 billion sa Land Bank of the Philippines at ₱2.5 Billion sa Development Bank of the Philippines o may kabuoang ₱10 billion para maipatupad ang mandato.

Naging co-author ni Romualdez sa panukalang ito sina Congresswoman Yedda Marie Romualdez ng Tingog Party-List, Cong. Ferdinand Alexander Marcos ng Ilocos Norte, at Jude Acidre ng Tingog.

Target din ng legislative measure na palakasin ang kapasidad para sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines para mag-provide ng mga kailangang assistance sa micro, small at medium enterprises at iba pang mga importanteng kumpanya.

More in National News

Latest News

To Top