Connect with us

Panukalang 2023 national budget, mas mataas ng 4.9%

Patungkol sa proposed 2023 national budget ang sentro ng diskusyon sa cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.nitong Biyernes.  

National News

Panukalang 2023 national budget, mas mataas ng 4.9%

Patungkol sa proposed 2023 national budget ang sentro ng diskusyon sa cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes.

Sa official facebook page ng Office of the President, nakasaad dito na ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon ay 4.9 % na mas mataas kaysa sa P5.024 trillion 2022 national budget.

Makakukuha ng pinakamalaking funding ang mga sektor ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura at agrikultura.

Nabanggit naman ng press secretary na kasama rin sa prayoridad sa proposed national budget para sa 2023 ang may kaugnayan sa ‘rightsizing’.

Pagdating naman sa COVID-19 response, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na wala pa silang detalye kung magkano ang inilaang pondo para rito.

Kaugnay nito, nakatakdang isumite sa Kongreso ang 2023 proposed national budget sa ika- 22 ng Agosto.

Bago nito, naka-iskedyul munang isumite ang budget documents sa Office Of The President sa Agosto 19.

Sa ngayon, patuloy na isinasapinal ang proposed budget.

Isasagawa ng DBM ang pag-imprenta ng budget documents na kinabibilangan ng pag-imprenta ng National Expenditure Program (NEP), budget of expenditures and sources of financing, staffing summary, at ang president’s budget message.

 

More in National News

Latest News

To Top