National News
Panukalang batas na bilhin ng gobyerno ang ani ng mga magsasaka, isinusulong
Inihain nina Davao City Rep. Paolo Duterte at ang panukalang batas para manduhan ang pamahalaan para bilhin ang ani ng mga magsasaka para sa relief operations at school feeding programs.
Layon ng House Bill 3382 na pataasin ang kita ng mga magsasaka at para makamit ang mithiin ng administrasyon na food security.
Saad ni Duterte at Yap, layon ng kanilang panukala na unahin ang mga magsasaka sa pagkamit sa food sufficiency bilang ‘first responders’ sa programa ng gobyerno sa pagkain.
Nilinaw naman ng mga mambabatas na hindi nila nais na makipag-kompetensya sa foreign trade ngunit para suportahan ang local food industry dahil ipagbabawal ng kanilang panukala ang pagbili ng mga LGU sa ani ng mga magsasaka na hindi na pwedeng makain, mababa ang kalidad o mas mahal kumpara sa imported supply.
“It is only fitting to put our farmers first when attending to our countrymen’s urgent need for subsistence as our farmers are considered as the nation’s first responders in fulfilling our food requirements,” saad ni Duterte at Yap.
Bukod diyan, inihain rin nila ang House Bill 3383 para pondohan ang pagtatayo ng makabagong rice drying facilities na ipagagamit ng libre sa mga magsasaka.