Connect with us

Panukalang batas na bubuhay sa industriya ng asin, pasado na sa Senado

Panukalang batas na bubuhay sa industriya ng asin, pasado na sa Senado

National News

Panukalang batas na bubuhay sa industriya ng asin, pasado na sa Senado

Ilang hakbang na nga lang ay inaasahan na hindi na mag-iimport ng asin ang Pilipinas.

Ito ay matapos inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang isang priority bill na bubuhay sa industriya ng asin.

Sa botohan sa sesyon sa plenaryo araw ng Lunes, 22 ang pabor, walang abstention at walang di pabor sa Senate Bill No. 2243 o ang Salt Industry Development Act.

layon ng panukalang batas na isulong ang pamumuhunan sa mga programa sa pagpapaunlad ng industriya ng asin, gayundin sa pananaliksik at pagpapaunlad sa bagong teknolohiya sa paggawa ng asin.

Iminumungkahi din nito na magtatag ng isang pambansang konseho ng asin na responsable sa paghahanda ng 5 taong roadmap o direksyon sa industriya ng asin.

Sakaling tuluyan nang maging batas, ay kikilalanin rin ang asin bilang isang produktong pang-agrikultura, kung saan ang Department of Agriculture (DA) na ang magkakaroon ng hurisdiksyon dito.

More in National News

Latest News

To Top