Connect with us

Gawing digital ang mga transaksyon sa gobyerno, lusot na sa Kamara

National News

Gawing digital ang mga transaksyon sa gobyerno, lusot na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang E-Government Act na layong gawing electronic-based at contactless ang lahat ng serbisyo at transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.

Sa botong 229 affirmative at zero negative votes ay lusot na sa third and final reading sa Kamara ang House Bill 6927 o E-Government Act.

Layunin ng panukala na gawing paperless ang transaksyon sa gobyerno.

Layon din nito na makasunod ang gobyerno sa ipapatupad na “new normal” ngayong COVID-19 pandemic gayundin ang mapagbuti ang ease of doing business ng bansa.

Inaatasan dito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtatag ng isang E-Government Master Plan na isasailalim sa review kada tatlong taon.

Bahagi ng master plan ang mga pamamaraan para ma-digitize ang paper based documents at government online payment system.

Samantala, sakop din ng panukala ang pagtatatag ng Government Online Payment System na isang electronic platform kung saan pwedeng magbayad ang mga Pilipino sa government transactions kabilang na ang buwis.

Gagawin naring isahan o streamlined ang pagbabayad sa mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Trade and Industry, Securities and Exchange Commission, Cooperative Development Authority, Bureau of Internal Revenue,  Social Security System, Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG, at Philippine Health Insurance Corporation or PhilHealth.

Matatandaan na noong SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hinimok nito ang Kongreso na mahinto na ang paper-based official transactions at pagpila ng mahaba sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ang sponsor ay si Senator Grace Poe kung saan ang bersyon nito ng E- Government Act ay pending pa sa committee level.

More in National News

Latest News

To Top