Connect with us

Panukalang batas para wakasan ang ‘endo’ sa hanay ng government workers, lusot na sa committee level sa Kamara

Aprubado na ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation ang panukalang batas na layong wakasan ang “end of contract” o “endo” sa mga kawani ng pamahalaan.

National News

Panukalang batas para wakasan ang ‘endo’ sa hanay ng government workers, lusot na sa committee level sa Kamara

Aprubado na ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation ang panukalang batas na layong wakasan ang “end of contract” o “endo” sa mga kawani ng pamahalaan.

Ayon kay Iligan City Rep. Frederick Siao, ang chairman ng komite, inaprubahan ng panel ang substitute bill na nagko-consolidate sa may 14 na panukalang batas na nagsusulong ng regularisasyon at civil service eligibility sa mga contractual, job order, and casual government employee.

Dahil sa development, umaasa si Siao na aangat ang kalagayan ng mahigit sa 600,000 endo workers sa gobyerno lalo na yung mga nagtatrabaho sa LGUs na nasa mahigit 400,000 ang bilang.

“The final form of the bill will be made public very soon. The bill underwent extensive consultations with stakeholders. We believe this bill would be an effective solution at this time to the concerns of about 670 thousand ‘endo’ workers in government, most of whom (470 thousand) are in the payrolls of local governments,” pahayag ng mambabatas.

Samantala, bukod sa anti-endo na panukala ay inaprubahan din ng committee ang House Bill 1485 na layong kilalanin ang Microbiology bilang isang propesyon.

Ayon kay Siao, malaking hakbang pagkakapasa ng panukala sa gitna narin ngayon ng coronavirus disease scare sa buong mundo dahil importante ang microbiology sa larangan ng kalusugan at medisina.

“Given the importance of microbiology in public health and medical care, especially with the ongoing COVID-19 containment measures, the committee decided to move HB 1485 forward today,” dagdag pa ng mambabatas.

More in National News

Latest News

To Top