Connect with us

Panukalang ‘Build, Build More’ (BBM), makatutulong sa ekonomiya – Cong. Momo

Panukalang 'Build, Build More' (BBM), makatutulong sa ekonomiya - Cong. Momo

National News

Panukalang ‘Build, Build More’ (BBM), makatutulong sa ekonomiya – Cong. Momo

Makatutulong ng malaki sa pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya ang panukalang ‘Build, Build More’ (BBM).

“Pag natuloy ito, malaking tulong ito sa atin in terms sa economy o ekonomiya makakatulong kasi ang Build Build Build program to recover during this pandemic yung ating ekonomiya na bumabagsak.

Then pangalawa, ‘yung connectivity natin lalo na island provinces natin marami tayo so siguro nakakatulong talaga ito,” ani Cong. Momo.

Ito ang inihayag ni Surigao Del Sur 1st District Representative Romeo S. Momo sa panayam ng Sonshine Radio.

Ang panukalang BBM ay ginawa ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda na may budget na P2.25 trillion sa ilalim ng termino ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

No description available.

Naniniwala rin si Cong. Momo na dapat talagang madagdagan ang mga proyekto para sa imprastraktura.

Naghain din ng panukala si Cong. Momo na pinamagatang ’30-year National Infrastructure Program of 2022′.

“May sinusulong akong batas ‘yung 30 year National Infrastructure Program of 2022. Dito we required isinama natin dito as one of the provision na kailangan hindi bababa ng 5% ang GDP ng investment bawat taon,” dagdag pa nito.

Ani Cong. Momo, nasa 7% ng gross domestic product ng China ang nakalaan para sa imprastraktura habang hindi naman bababa sa 5% ng GDP ng India ang inilalaan para rito.

Saad din ni Cong. Momo na marami pang nagpapatuloy na mga proyekto ang gobyerno kabilang na ang 30 kilometers subway, 12-kilometer LRT-Cavite extension, 23 kilometer MRT-7 at common station na magko-konekta sa LRT, MRT-3 at MRT-7.

Isinusulong na rin ang iba pang proyekto gaya ng 102-km railway project, Panay Railway Projects at Cebu Railway System na makatutulong sa pag-transport ng mga produkto mula sa mga sakahan papuntang pamilihan.

More in National News

Latest News

To Top