National News
Panukalang dagdag korte ni Sen. Tolentino, aprub sa Senado
Pasado na sa ikatlong pagbasa ng Senado ang 16 na panukalang batas ni Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino na naglalayong bumuo ng karagdagang korte sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ikinatuwa ni Sen. Tolentino ang pagpasa ng House Bill No. 6582, 6583, 6584, 8247, 8248, 8249, 8250, 8253, 8254, 8256, 8258, 8259, 8260, 8251, 8255 at 8252.
Dahil sa matagumpay na pagkakapasa ng mga nabanggit na batas, umabot sa kabuuang 68 na korte ang madadagdag.
Ito ay nagresulta sa pagkakabuo ng 44 na sangay ng Regional Trial Court (RTC) at 24 na sangay ng Municipal Trial Court (MTC) na itatalaga sa mga lugar na sumusunod:
- Cabagan, Isabela
- San Jose, Dinagat Islands
- Baybay, Leyte
- Calauag, Quezon
- Pagadian, Zamboanga del Sur
- Antipolo, Rizal
- Samal at Panabo, Davao del Norte
- Malaybalay, Bukidnon.
- Rosario at San Juan, Batangas
- Navotas City
- San Carlos, Pangasinan
- San Juan City
- Gingoog, Misamis Oriental
- Ormoc, Leyte
- Bacolod, Negros Occidental
- Lanao del Norte
Pinasalamatan ni Sen. Tolentino ang kanyang mga kapwa senador sa mabilis na pagpasa ng mga panukalang batas at sa pagdinig sa apela ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na magkaroon ng mga karagdagang korte.