Connect with us

Panukalang pagpapalawig ng state of calamity sa buong bansa, suportado ng PHAPI

Suportado ni PHAPI President Dr. Jose Rene de Grano ang panukalang palawigin ang state of calamity sa buong bansa hanggang 2023.

National News

Panukalang pagpapalawig ng state of calamity sa buong bansa, suportado ng PHAPI

Suportado ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene de Grano ang panukalang palawigin ang state of calamity sa buong bansa hanggang 2023.

Ayon kay de Grano, dapat palakasin ang pagbabantay ng bansa laban sa COVID-19 lalo na sa gitna ng nalalapit na kapaskuhan.

Mapapansing sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga impeksyon, ang mga aktibong kaso ay nasa 17,000 pa rin sa ngayon at patuloy itong tataas lalo na ngayong kapaskuhan.

Matatandaang pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong September ang nationwide state of calamity hanggang December 31, 2022.

More in National News

Latest News

To Top