Connect with us

Panukalang pagpaparusa sa mga nagpapakalat ng fake news, napapanahon na – Sen. Bong Go

Panukalang pagpaparusa sa mga nagpapakalat ng fake news, napapanahon na – Sen. Bong Go

National News

Panukalang pagpaparusa sa mga nagpapakalat ng fake news, napapanahon na – Sen. Bong Go

Panahon na!

Ganito iginiit ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang kanyang pagpabor sa panukalang pagpapataw ng parusa sa mga nagpapakalat ng misinformation  at disinformation sa bansa, bilang isang criminal offense.

Aniya, dapat matigil na ang kultura ng fake news sa bansa.

Giit ng senador, malaki na ang perwisyo na idinudulot ng fake news o pekeng balita hindi lang sa isang tao kundi maging sa pangkalahatan.

Paliwanag pa ni Go, hindi   nakatutulong sa imahe ng mga Pililino sa anumang larangan ang pagpapakalat ng mali at hindi totoong balita kundi magdudulot din ito ng kaguluhan sa bawat isa.

Sa ilalim ng House Bill 2971 na inihain nina malabon Rep. Josephine Lacson-Noel at An Waray Party-List Rep. Florencio Noel, ipinaamyendahan nila ang Cybercrime Prevention Act of 2012 para maituring na krimen ang pagpapakalat ng maling impormasyon.

Ayon pa sa panukala, itinuturing na cybercrime ang paglikha at pagpapakalat ng maling impormasyon sa pamamagitan ng computer system.

Ang mahahatulan nang guilty ay may parusang anim na taon hanggang labindalawang taong kulong at multa na hindi bababa sa P200,000.

More in National News

Latest News

To Top