National News
Panukalang palawigin ang termino ng pangulo ng bansa, ipinanukala sa Kongreso
Isinusulong ni Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang pagkakaroon ng mas mahabang termino para sa presidente at bise presidente ng Pilipinas.

Rep. Aurelio Dong Gonzales Jr.
Ayon kay Gonzales, napakaiksi lang ng 6 na taong panunungkulan ng isang magaling na pangulo, lalong-lalo na kung may nangyayaring krisis gaya ng COVID-19 pandemic.
Sa inihain nitong Resolution no.7 sa Senado at Kamara, nais ni Gonzales na magkaroon ng isang re-election para sa president at vice president.
Nakasaad din nito na ang anumang boto para sa presidente ay magiging boto rin ng kanyang vice presidential running mate.
Ito’y para magresulta ng pagkakaisa sa dalawang mataas na posisyon sa gobyerno.
Kasabay sa naturang resolusyon ay pagbabawalan naman ang isang presidente na tumakbo ng isang elective post matapos ang isang term ng re-election.
Layunin din dito ang pagkakaroon ng five-year term at one re-election para sa mga myembro ng House of Representatives, governors, mayors at iba pang provincial, city at town officials.
Ani Gonzales, sa kasalukuyang batas ay three-year term at dalawang re-elections ang itinakda para sa mga posisyong ito.
