Connect with us

Panukalang parusahan ng pagkakakulong ang mga ‘Marites’ na nagpapakalat ng fake news, isinusulong sa Kamara

Panukalang parusahan ng pagkakakulong ang mga ‘Marites’ na nagpapakalat ng fake news, isinusulong sa Kamara

National News

Panukalang parusahan ng pagkakakulong ang mga ‘Marites’ na nagpapakalat ng fake news, isinusulong sa Kamara

May panukalang batas sa Kamara na layong parusahan ang pagpapakalat ng fake news.

Batay sa House Bill 2971 nina Malaban Rep. Jaye Lacson Noel at , gagawin nang criminal offense ang pagpapakalat ng maling balita.

“Ang fake news is the misinformation and dis information ng facts, events no, distortion of truth that may lead to chaos no,” ani Rep. Bem Noel.

Giit ng mambabatas, lahat ay sakop ng panukala.

Kahit mga ordinaryong Pilipino, news organizations at tv networks-kapag sumablay at nagkalat ng fake news- tatamaan.

“Organizations, I am not in particular with organizations. Lahat, individuals lalo na pag inano nila sa yung act kasi kung nilagay na nila sa air no tapos diko alam kung may intention ba sila o may malice pero kung yung fact is distorted that will fall under the definition of fake news,” dagdag pa nito.

Babala ni Noel lalo na sa mga mahilig mag-post ng kung ano-ano sa social media na maghinay-hinay at tiyakin na panay totoo lamang ang kanilang ipo-post at hindi fake news.

Dahil kung hindi, sa kulungan ang bagsak ng mga ito.

“Ang atin is from 2 years to 4 months to 8 years. Parang ano siya, 1 degree higher ng prision correccional to ang maximum niya is the minimum of prision mayo,” giit pa ni Noel.

Ngunit para sa law expert na si Atty. Harry Roque, paglabag sa bill of rights ang panukala.

Ani Roque, ang dapat parasuhan ang internet platforms gaya ng Yahoo, Youtube at Facebook ang dapat nireregulate sa halip na ordinaryong mamamayan.

“Yan po ay magiging labag sa ating bill of rights no dahil ang nakasulat po doon no eh no law shall be pass infringing the freedom of communication freedom of the press no,” ani Atty. Harry Roque.

“Ba’t mo naman isu-suppress yung bill of rights mo yung freedom of expression kung mali naman din ang sasabihin mo. Hindi ba dapat isipin din natin paano naman yung mga nakakabasa niyan? Atakehin dahil sa nilagay ninyo, so okay lang din,” sagot naman ng An Waray Partylist representative.

Aminado naman si Noel na marami pang aayusin sa panukala at kanila itong hihimayin sa committee hearing.

Kabilang dito ay kung sasakupin ba ng bill ang mga nag-share lamang ng fake news ngunit hindi sila ang original na nag-post sa social media.

“Siguro you can call it not just criminalization noong fake news it’s also but bill against the marites as we call it now. Hopefully hindi tayo mag-marites pagdating sa kapakanan pagdating sa kwentuhan na papaniwalaan ng ating mga kababayan. Kailangan factual lang tayo. Para naman kung may magshe-share, hindi naman may masasaktan, hindi naman makaka-cause ng panic para naman ang mga kababayan natin mababasa lang as it is, factual lang siya,” pagbibigay diin pa nito.

 

 

More in National News

Latest News

To Top