Connect with us

Parking rates sa NAIA, tinaasan na

parking-rates-sa-naia-tinaasan-na

National News

Parking rates sa NAIA, tinaasan na

Tinaasan na ang parking rates sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lalong-lalo na sa ‘overnight parking’ simula nitong Oktubre 1, 2024.

Paliwanag ng bagong NAIA management, kinakailangan ang pagtaas ng parking rate para sa maintenance at rehabilitation ng kanilang mga pasilidad.

Sa isang liham nga noong Setyembre 30, ang parking rates ng mga kotse mula P40 noon ay nasa P50 na para sa unang dalawang oras; P25 sa bawat oras na susunod; habang P1, 200 kung nais ang overnight parking.

Ang mga motorsiklo ay P20 ang parking fee sa unang dalawang oras; mula sa P5 ay nasa P10 na ang dagdag sa bawat oras na susunod; at P480 ang overnight parking fee.

Ang mga bus ay P100 ang parking rate sa unang dalawang oras; mula sa P20 ay nasa P50 naman ang idadagdag ngayon sa bawat oras na susunod; at P2, 400 para sa overnight parking.

Partikular na sa overnight parking, noon ay nasa P300 lang ang base rate ng tatlong uri ng sasakyan.

More in National News

Latest News

To Top