Business
Parqal Mall, isa sa ‘Most Beautiful Emporiums’ ng mundo
Kinilala bilang isa sa ‘world’s Most Beautiful Emporiums’ o store para sa taong 2024 ang Parqal Mall sa Aseana City, Paranaque.
Mismong ang Prix Versailles o ang organisasyon na kumikilala ng architectural excellence sa buong mundo ang nagsabi nito hinggil sa Parqal Mall.
Dahil dito ay nailagay na ang bansa sa global map kaugnay sa architectural excellence.
Maliban sa Parqal Mall ng Paranaque City ay kinilala rin ng Prix Versailles ang Dior Boutique sa Geneva, Switzerland; SKP Shopping Mall sa Chengdu, China; at Nouvelles Galeries sa Annecy, France.
Kasama rin ang Sabyasachi Boutique sa Mumbai, India; Mga bookshop sa Colosseum, Rome, Italy; at ang Boucheron Ginza store sa Tokyo, Japan.
Ang pito naman ay finalists para sa tatlong world titles na ibibigay ng Prix Versailles.
Noong nakaraang taon ay nakilala na ng Prix Versailles ang Clark International Airport bilang isa sa ‘world’s Most Beautiful Airports’.