National News
Partial opening ng Clark International Airport, susubukan ngayong araw
Susubukan ngayong araw ang partial opening ng Clark International Airport matapos ang naging pinsala ng magnitude 6.1 sa nasabing paliparan, kahapon.
Ayon kay Clark International Airport President Jaime Melo, isasara ang paliparan nang 24 na oras na nag-simula kagabi para sa inspeksyon.
Idineklara naman aniyang ligtas ang air traffic control tower, runway, at taxiways ng paliparan.
Gayunman, sinabi nito na hindi pa kumpleto ang assessment sa pinsala sa check-in area.
Nakatakda namang simulan ang pagsasaayos ng mga nasira ngayong araw pero maari aniya itong tumagal nang ilang araw.
Sinabi ni Melo na aabot sa 150,000 na pasahero ang apektado ng mga na-kanselang flight.
Naglagay naman ang airlines ng mga booth sa labas ng Clark Airport departure area para tugunan ang concern ng mga pasahero.
DZARNews
