Connect with us

Party issue, ‘di sapat na basehan para i-deklarang nuisance candidate si Pastor Quiboloy – COMELEC

Party issue, ‘di sapat na basehan para i-deklarang nuisance candidate si Pastor Quiboloy - COMELEC

News

Party issue, ‘di sapat na basehan para i-deklarang nuisance candidate si Pastor Quiboloy – COMELEC

Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na binalanse at pinag-aralang mabuti ng komisyon ang pagkakasama ni Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy at ng 65 na iba pa sa mga lehitimong kandidato para sa 2025 midterm elections.

Nasa 221 ang bilang ng petisyon na reresolbahin ng COMELEC pagdating sa mga nuisance candidate.

Kabilang na dito ang 117 mula sa 183 senatorial aspirants na naghain ng kandidatura pero bigong makapasok sa partial at official list ng komisyon.

Sa huling araw ng paghahain ng petisyon laban sa mga nuisance candidate, araw ng Miyerkules, isa ang labor lawyer na si Sonny Matula sa naghain ng petisyon laban sa kandidatura ni Pastor Apollo dahil sa umano’y misrepresentation.

Una nang itinanggi ni Matula na awtorisado ang tinanggap na CONA ni Pastor Apollo mula sa Workers and Peasants Party o WPP.

Sa kabilang banda naman, ang isa pang paksyon sa WPP na Tolentino Wing na pinangungunahan ni Atty. Mark Tolentino, ay pinanindigan na legal ang tinanggap na nominasyon ni Pastor Apollo mula sa partido.

Ipinunto naman ni Comelec Chairman Atty. George Garcia na walang magiging problema sa kandidatura ni Pastor Apollo kahit pa mayroon itong “party-issue”.

Isa si Pastor Apollo sa mga idineklarang lehitimo at kwalipikadong kandidato ng Comelec para sa senatorial race para sa darating na 2025 midterm elections.

Dagdag pa ni Garcia, sakali mang matanggalan ng nominasyon mula sa isang partido ang isang senatorial aspirant ay hindi ito magiging basehan para ideklara siyang nuisance candidate.

Aniya, ang inilabas nilang listahan para sa senatorial race ay pinag-aralan at tinimbang ng maigi ng komisyon.

Samantala, nangako ang Comelec na bago pa man matapos ang buwan ng Nobyembre ay mareresolba na nila ang lahat ng petisyon para sa nuisance candidates.

Pagdating naman ng December 13 ay may pinal na listahan na para sa lahat ng mga kandidato sa National at Local Positions ngayong darating na 2025 midterm elections.

More in News

Latest News

To Top