Connect with us

Pasahero ng MV Diamond Princess Cruise Ship sa Japan, pumanaw dahil sa COVID-19

Pasahero ng MV Diamond Princess Cruise Ship sa Japan, pumanaw dahil sa COVID-19

National News

Pasahero ng MV Diamond Princess Cruise Ship sa Japan, pumanaw dahil sa COVID-19

Isa pang pasahero ng MV Diamond Princess Cruise Ship sa Japan ang pumanaw na dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa ulat ng NHK Public Television sa Japan, ang panibagong nasawi ay isang lalaki na nasa edad 80.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang health ministry ukol dito.

Sakaling makumpirma, ito na ang ikaapat na fatal cases sa cruise ship.

Matatandaang Pebrero 19 nang pababain na ang nasa 3700 pasahero na lulan ng cruise ship matapos ang quarantine period na nagsimula noong Pebrero 3.

 

 

More in National News

Latest News

To Top