Metro News
Pasig LGU, nagsagawa ng dry run ng pilot face-to-face classes sa Pasig Elem. School
Nagasagawa ng simulation o dry run ang Pasig City Government ng pagpasok ng mga mag-aaral sa Pasig Elemementary School katuwang ang DepEd Pasig Division.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, tiniyak nila na nasusunod ang guidelines para sa face-to-face classes gaya ng maayos na ventilation at air flow sa loob ng silid-aralan.
Sa kasalukuyan, sumasailalim sa validation ang apat na paaralan para sa face-to-face classes kabilang na ang Pasig Elementary School, Nagpayong Elementary School, Francisco Legaspi Memorial School, at Pasig Ugong National Highschool.
Target ng DEPED pasig na simulan ang pilot face-to-face learning sa Disyembre 6.
