Metro News
Pasig Mega Market, bukas na ulit simula ngayong araw
Bukas na ulit simula ngayong araw ang Pasig Mega Market.
Ayon sa Pasig City Public Information, maaari ng pumunta ang mga mamimili sa nasabing palengke mula 5:00 AM – 5:00 PM ngayong araw.
Pasig Mega Market update:Simula bukas (Monday) , April 13, 2020 ang Pasig City Mega Market po ay bukas simula 5:00am until 5:00pm para sa mga mamimili at 3:00am to 5:00am sa mga umaangkat.
Posted by Pasig City Public Information Office on Sunday, 12 April 2020
Bukas naman ang palengke para sa supplier ng produkto simula 3:00 AM 5:00 AM.
Samantala, mahigpit pa ring ipatutupad ng lungsod ang social distancing sa palengke.
