Metro News
Pasok ng gov’t offices sa Metro Manila, suspendido dahil sa bagyo
Suspendido na muna ang pasok ng government offices sa Metro Manila nitong Lunes, Setyembre 2, 2024 dahil sa bagyong Enteng.
Sa inilabas ng Office of the Executive Secretary, epektibo ito kanina 8:30 ng umaga.
Ang pasok ng pribadong kompanya at mga opisina ay nakadepende naman sa kanilang employers.
Maliban sa pasok ng government offices ay suspendido na rin ang pasok ng lahat na mga pampubliko at pribadong mga paaralan sa Metro Manila.