Connect with us

Pastor ACQ at SMNI, patuloy na lalabanan ang mga mapanlinlang na media sa bansa

Pastor ACQ at SMNI, patuloy na lalabanan ang mga mapanlinlang na media sa bansa

National News

Pastor ACQ at SMNI, patuloy na lalabanan ang mga mapanlinlang na media sa bansa

Handang suportahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI ang susunod na administrasyon laban sa mga mapanlinlang na media networks na patuloy na naninira sa interes ng bansa.

Ayon sa butihing pastor, susuportahan nito ang susunod na administrasyon gaya na lamang ng pagsuporta nito kay Pang. Rodrigo Duterte.

At hangga’t tama ang ginagawa ng administrasyon para sa mga Pilipino.

“Ang media na ito ng SMNI ay dedicated for nation building, Kung ano ang magandang ginagawa ng pangulo, ihi-highlight ko ‘yan.  Kung ilang mhga CPP-NPA ang nasira at nagsurrender, ihi-highlight ko ‘yan,” ani Pastor Apollo.

Kaugnay nito sinabi pa ng butihing pastor na itutuon nito ang Sonshine Media Network International (SMNI) para sa ‘nation-building’, sa pamamagitan ng paglalahad sa magagandang ginagawa ng pamahalaan.

“Kung ano ang kanyang panukala, tulad ng pagsuporta natin kay Pang. Duterte, ilalahad natin ang kanyang magagandang nagawa. na hindi kayang ilahad ng mga mainstream media. Itong mga nagbabalita ng baluktot, na ginagamit nila ang kanilang broadcast power para hindi ituwid ang mali at para ilihis ang tao. Ayokong tawaging mainstream media ang mga ‘yan. Pilipino kayo, may kapangyarihan kayong mag broadcast ng ginagawa ng ating pangulo para sa ating bansa, bakit ayaw ninyong ipakita,” dagdag pa ng butihing Pastor.

Samantala, hinimok ng butihing pastor ang mamamayang Pilipino na magsaya at ipagmalaki ang mga katagumpayan ng pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top