National News
Pastor ACQ, ‘di “convicted” gaya nina France Castro, Satur Ocampo
Binigyang-diin ni dating CPP-NPA-NDF national intelligence officer Jeffrey “Ka Eric” Celiz na hindi “convicted” si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Pahayag nya ito bilang patama sa pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).
Dahil dito, tanong ngayon ni Celiz, bakit tila “convicted” na ang pagtrato ni Benhur Abalos kasama ang PNP sa butihing pastor habang ang mga tunay na convicted na sina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at dating Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo ay ini-enjoy pa rin ang kanilang kalayaan.
“Ito ba ay gagamitin n’yo na rin para hulihin si France Castro? Convicted si Satur Ocampo, why are they enjoying their freedom? Pastor Quiboloy was never convicted, yet. Pastor Quiboloy was only accused, suspect(ed). Anybody can be accused of anybody. Kahit sino puwedeng mag-file ng kaso.”
Matatandaang hinatulan nang guilty ng korte ng Tagum City sina Castro, Ocampo, at 11 iba pa dahil sa paglabag sa section 10(a) ng Republic Act No. 7610 o ang An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination, and for Other Purposes.
Mababatid na naging marahas ang iligal na operasyon o pagkubkob ng libu-libong mga pulis sa religious compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City para lamang isilbi ang warrant of arrest.
Marami pa ang nasugatan at may naitalang namatay.
Tahasan pang sinabi ng dating kadre na sinalaula lang ng mga ito ang imahe ng pulis subalit hindi naman na-iimplementa ang kagayang operasyon laban kina Castro at Ocampo.
Binira rin ni Celiz si Abalos at iba pa at kinuwestiyon kung bakit hindi rin nila ito iimplementa laban sa mga teroristang grupo.
Ayon sa dating CPP-NPA-NDF national intelligence officer, “and ginamit at sinalaula n’yo lang ang imahe ng pulis but you cannot implement it against convicted criminals. Ito convicted na, si France Castro nakaupo pa sa Kongreso at magbida-bidahan pa na mag-senador. Ka-line up pa yata ‘to ni Abalos.
Why you cannot do that to hardened terrorist criminals, na ang mga ‘at larged spot’. Nand’yan pa, mga CPP-NPA-NDF, remnants ng Abu Sayyaf. O, bakit ‘di n’yo ginagamit ito?”
Sambit ni Celiz, malamang diskarte ni Abalos na gamitin si Pastor Apollo maging ang KOJC operations para magpabida.
Una nang inihayag ni Abalos na tatakbo siya bilang senador sa mid-term elections sa susunod na taon.