Connect with us

Pastor ACQ, hindi umaasa ng kapalit sa pag-endorso sa BBM-Sara tandem

Pastor ACQ, hindi umaasa ng kapalit sa pag-endorso sa BBM-Sara tandem

National News

Pastor ACQ, hindi umaasa ng kapalit sa pag-endorso sa BBM-Sara tandem

Hindi umaasa ng kapalit si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI, sa pag-endorso sa tandem nina former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Davao City Mayor ‘Inday’ Sara Duterte.

Ani Pastor Apollo, hindi niya ugali ang humihingi ng kapalit sa kanyang mga pabor dahil ito ay para sa bansa.

“I did not seek for any remuneration, or halimbawa, posisyon, kung hindi man ako, ‘yung mga kasamahan ko, dapat iluklok niyo kasi sinuportahan ko kayo, I don’t pressure politicians for that,” ani Pastor Apollo.

Nilinaw rin ni Pastor Apollo na hindi siya bias sa pagtanggap at pagtulong ng mga kandidato kaya ginawa ng Sonshine Media Network International (SMNI) ang serye ng mga debate para makilatis at makilala ang isang kandidato.

“I give chance to others sa ating mga ginawang Presidential interviews. Basta’t Pilipino ka at tumakbo ka, kikilatisin kita, kung ano ang motibo mo,” dagdag pa ni Pastor Apollo.

Samantala, nanawagan din ang butihing pastor na magkaisa na ang sambayanang Pilipino ngayong natapos na ang eleksiyon.

Ani Pastor Apollo, dapat ipairal ng bansa ang ‘mature democracy’ at ‘intelligent democracy’ at tanggapin na ang mga nanalo.

“Move on na tayo sa mature democracy, kalimutan na natin ang mga color natin. We are Filipinos with one dream, one aspiration, with one goal. Pilipino na tayong lahat, wala ng color ‘yan,” saad pa ng butihing Pastor.

More in National News

Latest News

To Top