Connect with us

Pastor ACQ, huwag nang yurakan pa– KOJC legal counsel

Pastor ACQ, huwag nang yurakan pa– KOJC legal counsel

National News

Pastor ACQ, huwag nang yurakan pa– KOJC legal counsel

“Nag-surrender na nga, niyuyurakan at dinuduraan pa. Baka pwede Sir, tama na sana. Huwag na masyadong kulatahin.”

Ito ang apela ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) legal counsel Atty. Israelito Torreon hinggil sa patuloy na pagsasapubliko ng Philippine National Police (PNP) ng mga alegasyong mayroong ‘Angels of Death’ o ‘private army’ ang butihing Pastor.

Kasama pa dito ang umano’y mga biktima ng pang-aabuso sa loob ng KOJC.

Ayon kay Torreon, ang ganitong mga hakbang ng pambansang pulisya ay maituturing nang pang-aabuso sa karapatan ni Pastor Apollo na nananatiling inosente sa harap ng batas dahil wala pang paglilitis at hatol ang korte. “What we’re seeing is a growing pattern of abuse. I would call this abuse because they seem to publicize right away without securing evidences first. Sana, I appeal to the good sense of professionalism of the PNP.”

Dagdag pa ni Torreon, isang malaking sakripisyo ang ginawa ni Pastor Apollo para sa kanyang mga tagasunod nang hindi na makaranas pa ng panggigipit sa loob ng KOJC religious compound. “We would like to point out na nag-surrender si Pastor to make an ultimate sacrifice that the acts committed against its members would no longer continue and indeed wala na sila ngayon sa KOJC grounds.”

Ani pa Torreon, ang mga naglalabasang akusasyon ngayon matapos ang pagsuko ng butihing Pastor ay paninira na laban dito. “What we see is a pattern of attack to really pin down Pastor ACQ and to destroy completely his good name and his reputation. If indeed, itong mga victims na ito ay totoo, eh, ‘di noong 16-day siege, sana sila sumipot kaagad at na-rescue nila.”

Maliban sa umano’y biktima ng pang-aabuso, sinagot din ng legal counsel ang isyu sa pagkakaroon umano ng ‘Angels of Death’ ni Pastor Apollo na ayon sa PNP ay tukoy na nila.

Ani Torreon, “This could have been unleashed to defend the KOJC members who were victims of tramplings of Constitutional rights to life, liberty and property pero ni isang member, ni isa, maski may dalang armas at nagpakita doon, wala.”

Samantala, sa kabila ng tensyon, naniniwala pa rin ang kampo ni Pastor Apollo na mayroon pa ring mga professional na pulis na gagawin ang kanilang trabaho batay sa katotohanan.

Patuloy naman ang pagpapaabot ng mensahe ng katatagan ni Pastor Apollo sa kanyang mga tagasunod at tagasuporta kahit ito’y nasa kustodiya na ng batas.

May be an image of 2 people and text

Matatandaang una nang naglabas ng pahayang ang KOJC na ang cardinal rule sa kanilang simbahan ay respeto sa malayang pagpili o freedom of choice.

Walang sinumang pinilit na gawin ang mga bagay na labag sa kanilang kalooban dahil ang sentro ng kanilang doktrina ay ang pagsusunod sa Diyos nang masaya at malaya.

May be an illustration of text

More in National News

Latest News

To Top