Connect with us

Pastor ACQ: Masama lang ang nananakot na alisin ang SMNI

Pastor ACQ: Masama lang ang nananakot na alisin ang SMNI

National News

Pastor ACQ: Masama lang ang nananakot na alisin ang SMNI

“Wag n’yo kaming takutin na alisin ninyo ang SMNI. ‘Pag iyan ginawa ninyo talagang masama kayo kasi ayaw ninyong makinig sa tama. Magpasalamat kayo sa bansang ito, merong hindi natatakot magsalita nang totoo para ma-guide ang ating bansa, hindi malugmok sa kadiliman. Yumayaman ba ako sa pagsasalita ng katotohanan? Hindi. Ako pa ang gumagastos sa SMNI ng ‘Laban Kasama ang Bayan’ para harapin ang mga ulupong na ito,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ito ang mariin na pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng the kingdom of Jesus Christ sa kanyang programang ‘Spotlight’ nitong Martes, Nobyembre 28, patungkol sa napapabalitang nais silipin ang prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Kumpirmado ang balita matapos binigyan ng direktiba ang House Committee on Legislative Franchises na paiimbestigahan nga ang SMNI na siyang panawagan ni Quezon 2nd District Representative Jayjay Suarez sa Kamara nitong Martes.

“In the spirit of transparency and accountability, I humbly request this august chamber to direct the Committee on Legislative Franchises in the exercise of its inherent oversight function to investigate this matter immediately and other similar measures pending with the committee including this personal and collective privilege,” pahayag ni Rep. Jayjay Suarez.

Ito’y matapos nagpalabas ng umano’y maling impormasyon ang SMNI patungkol kay House Speaker Martin Romualdez, ayon sa mambabatas. Ang nasabing imbestigasyon ay magsisimula ngayong Huwebes, Nobyembre 30.

Ang SMNI ay kilala bilang malakas na boses na lumalaban sa komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF, partikular na sa programang ‘Laban Kasama ang Bayan’.

Ngunit sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy na ang SMNI ay tumutulong para sa nation-building ng bansang Pilipinas, tumatayo para sa kabutihan at walang ginagawang masama.

“Ang SMNI, mabuti ba? May masama bang ginagawa ang SMNI? Ang kasalanan ng SMNI, nagsasalita ng totoo. Kasalanan ba ’yun? Para sa mga sinungaling at mga corrupt, ang SMNI ay masama. Pero para sa mga katulad ko, tumutulong for nation-building, sinusugpo ang masama eh SMNI, siya lang ata ang boses ngayong nananatili. Pagkatapos, gusto mo pang ligwakin. Gusto pa ninyong ligwakin ang SMNI. Eh masama kayo. Niligwak na nga ninyo ang Facebook, pati ang YouTube namin. Mga masasama kayo. Wala naman kaming ginagawa diyan kundi magturo ng good manners and right conduct. Ituwid ang hindi matuwid. Tulungan ang ating pamahalaan. Lahat ’yan, kabutihan at hindi tayo nababayaran para gawin ang masama. Tumatayo tayo para sa kabutihan. Walang istasyong ganyan sa Pilipinas,” dagdag pa ng butihing pastor.

Dagdag din ni Pastor Apollo na ang mga pinuno ay hindi dapat kilabot sa mga mabuti at dapat mas lalo pang hikatayin sa boluntaryong paggawa ng mabuti at pagtulong sa gobyerno.

“Di terror ang mga rulers sa good works but to the evil. Ilan ang, from non-government organizations… Ilan na ang award natanggap natin sa kanila? 65 as of today. 65 recognitions and awards. Sa gobyerno, ni isa wala. Mga private individuals ang kumikilala. Sa inyo na dapat kumilala sa mga katulad naming, wala ni isa man sa inyo na nag-encourage lalo sa amin na pumunta at in-encourage kaming lalo para kami lalong tumulong – pinag-iinitan pa.”

“Tignan mo. Ibig mo bagang mawalan ng takot sa may kapangyarihan. Gawin mo ang mabuti at magkakamit ka ng kapurihan sa kanya. Praise. Ipe-praise tayo. Eh ‘di ako pini-praise eh sa ginagawa ko. Hindi naman ako nanghihingi ng praise. Kumbaga, kung talagang mabuti ka, nakikita mo ang isang constituent mong katulad ko, voluntarily nag-aalay para sa nation-building, tumutulong, kumo-contribute, eh kahit man lang pikpikin ka: ‘We encourage you to do more.’ Malaking bagay na ‘yun sa atin diba? Pero ang pini-praise mo, ang pinainom mo ng kape itong mga ulupong. Ano ka?” pahayag pa ni Pastor Apollo.

More in National News

Latest News

To Top