Kingdom News
Pastor ACQ, nagpaabot ng mensahe sa JMCFI College of Medicine 2024 graduates
Bagamat hindi personal na dumalo ang founding president ng Jose Maria College Foundation na si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, isang mensahe ng inspirasyon ang kanyang ipinaabot.
Aabot sa 49 na bagong graduates ng College of Medicine sa ikalawang commencement exercise na ginanap sa Dusit Thani Hotel Davao nitong Huwebes.
Inilahad ni Dr. Marlon Rosete, miyembro ng board of administrators ng Kingdom of Jesus Christ at siya ring SMNI President, ang mensahe ni Pastor Apollo.
Kinilala ni Pastor Apollo ang dedikasyon at tagumpay ng mga medical student upang marating ang kanilang mga pangarap na maging doktor.
Ani Pastor Apollo, layon ng JMCFI na maging world class ang galing ng mga susunod na henerasyon ng doktor na may puso sa paggagamot.
“Our goal was to provide world-class education, particularly in the medical field, to address the dire need for compassionate and skilled healthcare professionals in our country.
We envisioned an institution that would not only impart knowledge but also instill values of empathy, resilience, and excellence – crafting physicians with a heart.”
Paalala ni Pastor Apollo sa mga bagong graduates na sa mga panahong haharap sila sa problema sa kanilang propesyon, huwag nilang kalimutan ang kapangyarihan ng pag-ibig at disiplina para maging pag-asa at liwanag sa mga nangangailangan ng kanilang tulong.
“Graduates, as you become newly minted doctors, remember that your journey, much like mine, will be fraught with challenges and misunderstandings. But let your faith be your anchor, your compassion your guide, and your dedication your driving force. “
“Never forget the power of love, discipline, and hard work. Let these principles guide you as you touch lives and transform communities. “
“Carry forward the torch of hope and healing. Be the light in the darkness, the balm in times of pain, and the embodiment of God’s love in all you do.”