Connect with us

Pastor ACQ sa Kamara: Magpakatotoo kayo sa bayan

Pastor ACQ sa Kamara: Magpakatotoo kayo sa bayan

Kingdom News

Pastor ACQ sa Kamara: Magpakatotoo kayo sa bayan

Nanawagan si Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ sa kanyang programang Spotlight na maging totoo sa taumbayan ang mga miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso.

Ito ay kasunod ng pagkakatanggal sa puwesto kina dating pangulo at ngayo’y pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at Davao City Rep. Isidro Ungab mula sa pagiging deputy speaker ng Kamara matapos na hindi pumirma sa House Resolution 1414 na nagsasaad ng pagkakaisa bilang suporta ng mga mambabatas kay Speaker Martin Romualdez.

Matatandaan na kamakailan ay ipinanawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ng Kamara ang book of accounts nito upang makita ng publiko ang transparency sa pondo na inilalabas ng institusyon.

Para kay Pastor Apollo, nakasaad naman ito sa konstitusyon, ang freedom of information kaya marapat lamang na magpakatotoo sa taumbayan ang Kamara.

Binigyang diin ni Pastor Apollo na ang pagkakatawag sa Kamara bilang isang rotten institution ay matagal nang issue sa bansa kaya mabuti na ring nabuksan muli sa publiko ang usaping ito upang mapatunayan ng mga mambabatas sa taumbayan na totoo ang kanilang hangarin na magserbisyo sa mga Pilipino.

Ani Pastor Apollo, dapat ay dinedepensahan ng mga mambabatas ay ang institusyon at hindi ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng malinaw na pagbibigay ng audit ng pondo na nalikom mula sa buwis ng taumbayan.

Samantala, ayon kay Pastor Apollo, iba ang dating ng House Resolution 1414 sa taumbayan dahil hindi naman pag-destabilize o pagsira sa institusyon ang hiling ng publiko sa transparency ng book of accounts ng Kamara.

Ang tunay aniyang sumisira sa integridad ng institusyon ng mababang kapulungan ay ang mga makakaliwang grupo.

Dahil ang mga ito aniya ang nagsusulong ng kasiraan ng gobyerno.

Matatandaan na kamakailan ay nagbitiw rin sa Partido ng PDP Laban si Rep. Dong Gonzales matapos na pangalanan si dating Pang. Duterte bilang banta sa integridad ng Kamara.

More in Kingdom News

Latest News

To Top