National News
Pastor ACQ, tunay na makabayan, nagmamahal sa bayan vs Marcos Jr. – ex-kadre
Nation building, ito ang pangunahing adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang alagad ng Diyos at bilang isang Pilipino na tunay na nagmamahal sa bayan.
Bilang isang Pilipino na lubos na pinagpala ng Diyos ay hindi niya ipinagkait sa bayan ang kanyang mga natatanggap na biyaya.
Patunay dito ang pagbibigay ng ‘di matatawarang serbisyo publiko.
Nariyan ang SMNI na totoong boses ng bayan na hindi nababayaran at may paninindigan sa kung anong tama, instrumento sa pagsugpo sa mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
Sa katatapos lang na Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Press Conference nitong Huwebes, Agosto 1, 2024, sinabi ng executive secretary ng KOJC na si Sis. Eleanor Cardona na dahil sa pagmamahal ni Pastor Apollo sa bayan kaya nagawa niyang buksan ang pinto ng KOJC para tumulong sa mga sundalong nag-aalay ng buhay para sa bansa.
Ayon kay Sis. Eleanor Cardona, “So, nagpapasalamat po kami all these years, malapit na malapit po ang ating mahal na Pastor, malapit na malapit po ang KOJC sa ating mga military, lahat po ng support na kailangan nila noong 2003. Noong kailangan nila ng suporta ng pag-open po ng Task Force Davao, open po ang gate, open po lahat ang Kingdom para pag-support po sa kanila hanggang ma-establish po ito at hanggang ngayon dekada na po na ganun po ang relasyon ng ating mahal na Pastor, ng KOJC, sa ating men in uniform.”
Maging ang mga myembro ng KOJC ay tinuruan, dinisiplina at pinaranas ni Pastor Apollo ng training sa military para maging mabuti at kapaki-pakinabang na mga mamamayan.
Aniya, “Kaya nung Bible School, nakita natin ‘yung training dahil gusto nga ni Pastor, hindi nga spiritual discipline ang maangkin ng KOJC members, mga workers kundi pati ang military discipline. Kaya sinasabi ni Pastor, hindi civilian ang mindset namin military yung mindset namin kasi nandun yung discipline, nandun yung code of honor. Ganun ‘yung training ni Pastor, hindi lang para sa Kingdom Nation ayon sa sinabi ng ating mahal na Pastor kundi para sa nation building kaya nga halos kaming lahat mga reservist po kami ng Philippine Army kasi nag-training po kaming lahat since then na nakipag-ugnayan po kami sa Armed Forces of the Philippines.”
Para kay Dr. Lorraine Badoy, dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) malaki ang pasasalamat niya sa butihing Pastor dahil binuo nito ang isang programa na lumalaban sa mga NPA.
“We would like to thank you before NTF-Elcac came along, you are the only ones that stood between us and the CPP-NPA-NDF this terrorist. And you willingly lay down your lives. And the story of the anti- CPP program in SMNI was because of Pastor. Hinanap ako ni Pastor at binigay itong programa na libre. Worth millions, binigay niya ‘yan, libre siya pa ang humabol. So, talagang makita mo ‘yung puso ni Pastor dito kasi nakita niya napakaraming sundalo ang namatay. And personally, we’ve had to bury our close friends and kilala namin ‘yung mga widows, they live behind widows and orphans,” saad nito.
Para naman sa dating intelligence officer ng CPP-NPA-NDF na si Jeffrey “Ka-Eric” Celiz, dahil sa daming kabutihan na ginawa ni Pastor Apollo para sa bayan ay nahigitan pa nito ang pangulo ng bansa sa pagbibigay ng serbisyo sa mga Pilipino.
“I would rather say today, tonight, Pastor is more patriotic and the real hero than Mr. Marcos Jr. himself, mas maraming ginawa at napatunayan si Pastor Quiboloy at ang Kingdom of Jesus Christ kaysa kay Marcos Jr. na siya ngayon ang humahabol at nanggigipit at nanunupil sa Kingdom of Jesus Christ at kay Pastor na para bang mga lubhang kriminal at terorista ang mga taong nagbunsod ng totoong paglilingkod sa ating bayan,” pahayag ni Celiz.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, kung sino pa ang tumutulong sa bayan ay siya na ngayon ang inuusig at itinuturing na kalaban ng gobyerno.
Kasunod ito ng ginagawang pangha-harass ng Pambansang Pulisya sa mga KOJC missionaries.
Idagdag pa dito ang patuloy na paglapastangan sa dignidad at pangalan ng butihing Pastor na wala namang ginagawang mali.
Para naman kay SMNI Anchor Yna Mortel, hindi na kagalang-galang ang mga sundalo at pulis ngayon dahil nagagamit na ang mga ito sa pulitika, sa maruming pulitika.
Ani Mortel, “So, lumalabas lang po talaga mga kababayan itong men in uniform natin na dati ay matatawag nating honorable ay ngayon ay nagiging instrumento nalang po sila ng political harassment ng kanilang amo na wala naman tayong ibang nakikita kundi si Marcos Jr. na hindi naman niya talaga prayoridad na tulungan ang ating mga kababayan o paunlarin ang ating bansa kundi pabagsakin ang mga Duterte at ang lahat po ng kanilang mga kaalyado kaya ‘yun po ang kanilang playbook kung mapapansin niyo.”
Nakakalungkot mang isipin na hindi na maitago ng buong pamunuan ng KOJC ang kanilang pagkadismaya sa men in uniform ng ating bansa.
Ayon kay Sis. Eleanor Cardona, “Kaya nagpapasalamat kami, ngunit sa mga panahong ito, masakit man sabihin pero hindi naman lahat pero nabahiran na po ang ating mga kasundaluhan, lalong-lalo na po ang ating mga pulisya.”
Ngunit sa kabila ng pasakit, pananakot at pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan, nananatili parin ang respeto at pagsaludo ng KOJC sa mga pulis at sundalo na tunay na naglilingkod para sa bayan.
“Hindi natin mapigilan kasi alam natin ang pag-ibig natin sa ating bayan at sa ating mga men in uniform. Snappy salute to all of you. Ganun po ang respeto, ang paggalang ng Kingdom of Jesus Christ lalong-lalo na po ang ating pinakamamahal na Pastor, Pastor Apollo C. Quiboloy sa lahat po ng ating mga kasundaluhan hindi lang po sa mga kasundaluhan pati na rin po ang ating mga pulis,” dagdag pa ni Cardona.
