National News
Pastor Apollo C. Quiboloy, hindi takot sa mga banta sa kanyang buhay
Hindi matitinag si Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor at Honorary Chairman ng SMNI, sa anumang uri ng pananakot ng kanyang mga kalaban.
Ito’y kasunod ng mga balitang banta na assassination kay Pastor Apollo matapos ilagay sa Fedeal Bureau of Investigation (FBI) ang butihing pastor bilang wanted person.
Sa pahayag ni Pastor Apollo sa programang laban kasama ang bayan ng SMNI News, hindi na aniya bago sa kanya na binabantaan ang kanyang buhay.
Ipinunto ni Pastor Apollo na katuwang ang SMNI, mas lalo pa niyang palalakasin ang kanyang kampanya laban sa mga masasamang gawain at nakahandang mamatay para dito.
Binigyang-diin din ni Pastor Apollo na baka may iba pang grupong nais bantaan ang kaniyang buhay.
Naniniwala si Pastor Apollo na hindi pahihintulutan ng Panginoon ang mga inhustisya na nakabase sa kasinungalingan, dahil aniya, ang katotohanan ang laging mananaig.