Kingdom News
Pastor Apollo C. Quiboloy, namahagi ng tulong sa Sitio Sicao, Barangay Tamayong, Davao City
Walang pagsidlan ng tuwa ang mga residente sa naging matagumpay na pamamahagi ng iba’t-ibang tulong ng Sonshine Philippines Movement (SPM), Ipiyal at Children’s Joy Foundation (CJF) sa Sitio Sicao, Brgy. Tamayong, Davao City.
Namigay ng iba’t-ibang tulong ang mga nasabing organisasyon sa mga residente
Kabilang sa mga ipinamahagi ang mga food packs, relief goods na may mga bigas, canned goods, noodles, anti-covid-19 kits tulad ng alcohol at facemask at iba pa
Namigay din ang mga volunteers ng mga damit at galon galong tubig inumin sa mga residente
Ayon kay Police Lieutenant Rizalito Clapiz III cluster 5 leader ng revitalized pulis sa barangay ng Davao City Police Office, malaking tulong para sa mga miyembro ng indigenous groups sa Sitio Sicao ang mga ayudang ibinigay lalo pa’t malayo ang mga ito sa kabihasnan.
“Malaking tulong ‘to sa indigenous communities dito sa Sitio Sicao dahil yung lugar na ito is under sa geographically isolated disadvantaged areas. Which means ang mga basic services mahirap ideliver sa lugar na ito. So yung mismong initiative ni pastor na magpadala ng mga tulong dito sa mga tao is malaking tulong sa kanila sa kanilang pang-araw araw na hanap buhay.”, saad ni Plt. Rizalito Clapiz III.
Malaki din ang pasasalamat ng mga residente dahil sa kabila ng layo ng kanilang lugar at mahirap at lubak-lubak na daan tungo dito, ay nakaabot pa rin ang mga tulong na ipinadala ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pamamagitan ng Sonshine Philippines Movement, Indigenous Peoples Innovation & Yields for Assured Lives Foundation, INC. At Children’s Joy Foundation International (CJFI).
Tunay nga na para kay Pastor Apollo, walang distansya o layo na makakahadlang sa pagpapaabot ng mga tulong nito lalong-lalo na sa mga indigenous people.
