National News
Pastor Apollo C. Quiboloy, tatakbong senador sa 2025
Opisyal nang nakapaghain ng kaniyang kandidatura ngayong araw, Oktubre 8, 2024 ang spiritual leader ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador.
Sa paliwanag, nais maging senador ni Pastor Apollo upang maging bahagi ng solusyon na reresolba sa patung-patong na mga problemang kinakaharap ng Pilipinas.
Isa naman sa mga tututukan ng butihing Pastor ay ang pagprotekta sa religious freedom ng bawat Pilipino.
Nais din ni Pastor Apollo na tiyakin ang pagkakaroon ng libreng gamot at mabilis na serbisyong medikal para sa mga mahihirap maging ang pagkakaroon ng de kalidad na edukasyon na magiging accessible sa maraming Pilipino.
Higit sa lahat, paiigtingin ni Pastor Apollo ang kampanya niyang ‘zero corruption’ na matagumpay niya nang nagawa sa KOJC.
Sa huli, tiniyak din ni Pastor Apollo na siya ay magiging senador ng bawat Pilipino.
Ang filing ng certificate of candidacy para sa 2025 midterm elections ay nagsimula noong Oktubre 1 at magtatapos ngayong araw, Oktubre 8.
