Connect with us

Pastor Apollo, pabor na ipasara ang University of the Philippines

Pastor Apollo, pabor na ipasara ang University of the Philippines

National News

Pastor Apollo, pabor na ipasara ang University of the Philippines

Hindi nagdalawang-isip si Pastor C. Apollo Quiboloy ng Pastor C. Apollo Quiboloy nang imungkahi nito ang tuluyang pagpapasara sa University of the Philippines at pag-aalis sa subsidiya nito.

Kasunod ito ng mga bantang ginagawa ng mga estudyante ng University of the Philippines dahil sa pagkadismaya ng mga ito sa resulta ng eleksyon.

“Dalawa ang solusyon ko riyan. Number one isarado ‘yan, gumawa ng isang bagong university nai-vett lahat ang mga teachers at saka students. Pangalawa, alisin ang government subsidy diyan sa U.P. gawin nalang secular university ‘yan na ang mag-aaral sila ang magbabayad ng tuition nila,” pahayag ni Pastor Apollo.

Nauna nang kumalat ang panawagan ng UP Office of Student Regents ang pag-walk out sa klase ng mga mag-aaral nito sakaling maupo na sa pwesto si president elect Bongbong Marcos.

Pabor din ang butihing Pastor na bigyan ng karampatang kondisyon o batas ang bawat mag-aaral at opisyal ng naturang paaralan na bigong tumupad sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga iskolar ng bayan.

“Dapat merong batas na mananagot ang lahat ng mga kinatawang opisyal diyan in case merong mga kabulastugang against the law and against the Philippine Constitution and against the government policy. Dapat managot sila kasi subsidized ng gobyerno. Pagkatapos wala silang pananagutan, wala silang pananagutan sa taong bayan. Ano nalang ang kanilang ginagawa doon parang independent nation sila doon. Kung mag-independent sila dapat wala nang subsidy ang gobyerno maging katulad nalang sila ng private school hindi na siya estate university. Kailangan private school nalang siya para magbayad ng tuition ang mga batang ito at ang kanilang mga magulang,” ayon pa sa butihing Pastor.

Iminungkahi rin ni Pastor Apollo na ipatawag ang mga guro o propesor ng unibersidad at pagpaliwanagin kung bakit hinahayaan ng mga ito ang kanilang mga estudyante na mag-aklas laban sa gobyerno.

“Tulad nito mga teachers tawagin niyan doon papanagutin ng gobyerno because they are being subsidized by the government,” ani Pastor.

Bukas, pangungunahan ng mga mag-aaral ng UP ang isang malawakang kilos protesta sa harapan ng PICC sa Pasay City kung saan mismong ang natalong si Vice President Leni Robredo ang magsisilbing panauhin sa aktibidad.

Nauna nang hindi tinanggap ng kampo ni VP Leni at Senator Kiko Pangilinan ang malaking agwat ng boto nila sa nangungunang sina Bongbong Marcos at Mayor Inday Sara Duterte.

Sa pinakahuling datos ng Commission on Elections (COMELEC), may mahigit na isang porsyento nalang sa kabuuang botante ang hinihintay na mabilang upang opisyal nang makapagproklama ng panalo sa national position gaya ng president at vice presidential post.

More in National News

Latest News

To Top