Connect with us

Pastor Quiboloy at SMNI, hinangaan ng PCG sa larangan ng pagiging makabansa

Pastor Quiboloy at SMNI, hinangaan ng PCG sa larangan ng pagiging makabansa

National News

Pastor Quiboloy at SMNI, hinangaan ng PCG sa larangan ng pagiging makabansa

Nation building, isa lamang ito sa mga katagang tumatak na sa sambayanang Pilipino kapag istasyon ng SMNI ang pag-uusapan.

Isang malaking mandato rin ito ng Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy sa lahat ng kanyang mga ginagawa mula sa mga programa nito sa telebisyon, sa radyo at maging sa interne – pagmamahal at malasakit sa bayan.

Isa rin ito sa mga hinahangaan ngayon ng maraming ahensya ng pamahalaan dahil sa suporta ni Pastor Apollo sa maraming programa ng gobyerno na layong iangat ang kamalayan ng bawat pamilyang Pilipino

Sa isang pambihirang pagkakataon, isa sa mga nagpaabot ng kaniyang paghanga sa SMNI at sa pamunuan ni pastor Apollo, ang pinuno ng Philippine Coast Guard.

Aniya, bagamat marami namang tagapaghatid ng balita’t impormasyon, pero higit sa lahat aniya ay ang totoo lamang at hindi sa baluktot na pamamaraan.

Sa kanyang mga naunang programa sa telebisyon, ipinangako mismo ni Pastor Apollo na marami pa ang mangyayaring maganda at aabangan ng taumbayan sa SMNI para sa mas pinalaki at pinalawak na operasyon nito sa paghahatid ng tama, patas, makabuluhan at hindi nababayarang paghahatid ng balita.

Ayon sa honorary chairman ng SMNI, tututukan nito ang paglalakas ng news and information ng network sa pamamagitan ng pagpapatayo ng towers para tuluyang abutin ang mga kababayang nasa liblib at malalayong lugar ng bansa.

Bukod sa mga totoong balita, kaisa rin ang SMNI sa paglalahad ng mga kasamaan hindi lang sa ispiritwal na aspeto kundi maging sa laban ng bansa kontra CPP-NPA-NDF.

Sa katunayan, tanging ang SMNI lang ang kasalukuyang tumatayo at kaakibat ng mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Armed Forces of the Philippines at iba pang sektor na layong itaguyod ang bansa sa mabuti at nagkakaisang paraan.

More in National News

Latest News

To Top