Connect with us

Pastor Quiboloy, hinamon ang CBCP na kondenahin ang CPP-NPA-NDF

Pastor Quiboloy, hinamon ang CBCP na kondenahin ang CPP-NPA-NDF

National News

Pastor Quiboloy, hinamon ang CBCP na kondenahin ang CPP-NPA-NDF

Hinamon ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI, ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na kondenahin ang CPP-NPA-NDF.

Kasunod ito ng pahayag ng obispo na si CBCP President Pablo Virgillo David sa kanyang mga tagasunod, isang linggo matapos ang eleksyon na huwag magpasakop sa pwersa ng kasamaan.

Iminungkahi pa ni Pastor Apollo na maaaring ang nanalo sa eleksyon ang  pinatatamaan nitong masama at ang natalo naman ang mabuti.

Para sa butihing pastor, ang tunay na forces of evil ay walang iba kundi ang CPP-NPA-NDF na walang diyos at walang awang pumapatay ng mga inosente.

“Bakit madre, pari, ginagamit ng mga npa, pumapasok, nagrarally kasama kayo? I’m not talking hot air here, dito sa Davao, klarong-klaro na ang simbahan niyo ginagamit ng NPA, kapag nasugatan doon pumupunta. Kaya itong redemptory church niyo dito, napangalanan niyang redempterorist.

Pati ‘yung mga paaralan ninyo, ginagamit ng mga evil forces ng mga komunista, para inyong arugain, para inyong kupkupin. bakit ‘yun hindi niyo tinatawag na forces of evil eh walang diyos yan, pumapatay yan. na walang awa, bakit hindi niyo kinokondena,” ani Pastor Apollo.

Kinuwestyon din ng butihing pastor ang CBCP kung bakit kasama sa mga rally ang ilang madre at pari.

Samantala, pinuri ni Pastor Apollo C.Quiboloy si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paglaban nito sa kasamaan tulad ng droga at kriminalidad sa ating bansa.

Payo ng butihing pastor sa CBCP, tulungan dapat ang gobyerno sa laban sa droga at kriminalidad.

More in National News

Latest News

To Top