National News
Pastor Quiboloy, hinamon ng debate sa Kongreso ang mga makakaliwang kongresista
Na-refer na sa House Committee on Basic Education and Culture at Higher Education ang House Resolution 253 laban sa SMNI na inihain ng makakaliwang kongresista.
Para kina red-tagging ang ginagawa ng network na pasisiwalat sa kanila bilang mga front ng CPP-NPA-NDF.
Bilang resbak, ipinakita ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang live powerline program nitong miyerkules ang larawan ng mga nag-recruit ng NPA.
Debate naman ang hamon ni Pastor Apollo sa mga makakaliwang kongresista.
Nanawagan din si Pastor Apollo sa liderato ng kongreso na makipagdebate ito sa plenaryo.
Giit din ng butihing Pastor, ang mga makakaliwang kongresista ang unang nag-hamon sa papamigitan ng House Resolution.
At hindi ito uurungan ni Pastor Apollo.
“Bibigyan ko kayo ng pagkakataong sumagot dahil gumawa kayo ha. You draw the first blood against Sonshine Media Network International. Ang nag-iisa dito sa bansang Pilipinas na hindi ninyo makakaya. Na hindi ninyo kayang maintimidate, na hindi ninyo pwedeng takutin. Magsasalita kami para sa mga human rights ng pinatay ng NPA na kasama niyo. Kami ang magsasalita. Subukan ninyo kami,” ani Pastor Apollo.
Para naman kay House Speaker Martin Romualdez sa panayam ng SMNI, dadaan sa due process ang House Resolution ng natitirang miyembro ng Makabayan Bloc.
“The House Resolution filed [by the Makabayan Bloc] will undergo the course of the process,” ani House Speaker Martin Romualdez.
Saad naman ng butihing pastor, “CPP-NPA-NDF will go down the drain. Babagsak kayo anuman ang gawin ninyo. Diyos ang kalaban niyo”.