Connect with us

Pastor Quiboloy, isusulong ang mas matibay na proteksyon at pension system para sa mga OFW

Pastor Quiboloy, isusulong ang mas matibay na proteksyon at pension system para sa mga OFW

National News

Pastor Quiboloy, isusulong ang mas matibay na proteksyon at pension system para sa mga OFW

Para kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, panahon na para bigyang-prayoridad ang ating mga Overseas Filipino Worker (OFW) mga modernong bayani na araw-araw nagsasakripisyo para sa bansa.

Kaya isinusulong niya ang maayos na pension system at sapat na legal at medikal na suporta para sa kanila saan mang sulok ng mundo.

Sa kanyang inilalatag na plataporma, binibigyang-diin ni Pastor Quiboloy ang panukalang OFW Retirement Security Act—isang batas na magtatatag ng mandatory pension system para sa mga OFW.

Sa ilalim ng panukalang ito, hindi lamang ang manggagawa ang mag-aambag, kundi pati ang pamahalaan at mga employer.

Isang hakbang itong nakatuon sa pagbibigay ng seguridad, dignidad, at maayos na pagreretiro para sa milyon-milyong Pilipinong nagbubuwis ng pagod sa ibang bansa, “Lilikha ako ng OFW Retirement Security Act na magtatatag ng isang mandatory pension na may contribution ang gobyerno at employer.”

Dagdag pa ni Pastor Quiboloy, isusulong niya ang Retirement Saving Program (RSP), na magbibigay ng mga tax incentives para sa mga OFWs.

Sa ilalim nito, magkakaroon sila ng tax deductions para sa kanilang kontribusyon at tax benefits kapag sila ay magwi-withdraw ng ipon para sa kanilang pagreretiro, “Isusulong ko rin ang tinatawag na Retirement Saving Program o RSP kung saan magkakaroon ng tax incentives ang mga OFWs, katulad ng tax deduction para sa kanilang contribution at tax benefits on withdrawals.”

Hindi lang pensiyon ang nais tutukan ni Pastor Quiboloy para sa mga OFW.

Kabilang din sa kanyang adbokasiya ang pagsusulong ng batas na magtatakda ng mandatory deployment ng legal at medical attachés sa bawat konsulado at diplomatikong post sa buong mundo, “Pagsasabatas ng mandatory ng pagtalaga ng legal at medical attachés sa bawat konsulado o diplomatikong post upang may kaagapay ang ating mga OFWs sa panahon ng kagipitan at pangangailangang medikal o legal.”

Ang mga panukalang ito ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay sumasalamin sa mga patuloy na hinaing ng mga OFW mula sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang na ang kakulangan ng sapat na legal assistance, ang mga kaso ng pang-aabuso, at ang kawalan ng malinaw na programa para sa kanilang pagreretiro.

Ayon sa ilang advocacy groups, ang mga hakbang na ito ay malaking tulong sa mga OFW na nagnanais ng mas maayos at tapat na pagbabalik-bansa matapos ang kanilang mga taon ng serbisyo sa ibang bansa.

Suportado ni Loida Singh, dating lider ng mga OFW sa Qatar, ang mga mungkahi ni Pastor Quiboloy. Ganun din ang mga OFW sa Japan, na nakikita ang kahalagahan ng mga programang ito para sa kanilang kapakanan at kinabukasan, “So ayos ’yan, kasi ’yan ang mga problema ng mga OFW lalo na sa Middle East. Kasi hindi lahat ng nag-a-abroad na OFW malalaki ang sahod. Nagde-depende rin ’yan sa posisyon, sa skills. Yung mga professionals, okay sila, pero ’yung mga nasa mababang level — mas pabor sa kanila. Para sa akin, mas okay ’yan.”

More in National News

Latest News

To Top