Connect with us

Pastor Quiboloy, may babala sa mga durugista

Pastor Quiboloy, may babala sa mga durugista

National News

Pastor Quiboloy, may babala sa mga durugista

“Yung nagcamping itong dalawa magkasintahan, pagkatapos pinasok sila nitong drug addict. Yung boyfriend niya pinagsasaksak, pinatay. At siya ay ginahasa. Drug addict ‘yan. Ganyan ang resulta ng illegal drugs,” ani Pastor Apollo C. Quiboloy.

Isa lamang ito sa libo-libong krimen na may kaugnayan sa paggamit ng iligal na droga.

Kaya naman, may mensahe si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI, sa mga mapagsamantalang durugista lalo na ngayong wala na sa pwesto si dating Pang. Rodrigo Duterte.

“Kayong mga durugista, komo wala na si Pangulong Duterte dito’t napakabait ng ating Pangulong Bongbong Marcos, ‘wag kayong kukumpiyansa sa kabaitan ng ating pangulo sapagkat may batas na ipatutupad siya. At ang mga kinatawan diyan, mga law enforcement natin hindi rin natutulog ‘yan,” saad pa ng butihing pastor.

Kaugnay nito, nagbanta si Pastor Apollo na bagama’t mabait ang kasalukuyang Pangulong Bongbong Marcos, ay hindi natutulog ang law enforcers at may batas na hahabol sa mga durugista.

Dagdag ni Pastor Apollo, kahit hindi kasing prangka o diretso magsalita ang Pangulong Marcos ay tiyak na may hahabol sa mga ito.

“Kahit hindi sila masyadong vocal tulad ng Pangulong Duterte, hindi masyadong vocal ang ating Pangulong BBM pero ‘wag kayong kukumpiyansa sapagka’t may batas na ipatutupad siya na hahabol sa inyo ganoon pa rin ang mangyayari. Kaya ‘wag kayong mamayagpag na akala niyo mabait ang ating pangulo ay walang batas na hahabol sa inyo. May hahabol na batas sa inyo. Ipatutupad ng ating pangulong BBM ‘yan. Kahit hindi siya ganoong ka-vocal kay Pang. Duterte. ‘Wag kayong kukumpiyansa, nagpasimula na naman kayo ah,” saad pa ng SMNI honorary chairman.

Samantala, dalangin naman ni Pastor Apollo na gabayan at pagpalain ang pamahalaan, mga law enforcement agency at ang bansang Pilipinas.

Naniniwala rin si Pastor Apollo na mantindi ang puso ni Pang. Bongbong Marcos para sa kapayapaan ng bansa dahil isa sa adbokasiya nito ay ang tuorism kaya’t iingatan ng pangulo ang peace and order.

 

More in National News

Latest News

To Top