Connect with us

Pastor Quiboloy, naniniwalang dapat nang mag-move on sa Martial Law

Pastor Quiboloy, naniniwalang dapat nang mag-move on sa Martial Law

Kingdom News

Pastor Quiboloy, naniniwalang dapat nang mag-move on sa Martial Law

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law noong 1972, nagbigay ng mensahe ang honorary chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sa kanyang programang Powerline nitong Miyerkules, sinabi ni Pastor Apollo na panahon na upang mag-move on ang bansa mula sa baluktot na kasaysayan ng martial law na ipinangangalandakan ng mga komunistang teroristang CPP-NPA-NDF na anila’y isang diktador at mapangabuso ang gobyernong umiral noon.

Ani Pastor Apollo, ang dapat huwag kalimutan ay ang higit limang dekadang karahasan ng sa bansa.

No description available.

“Tapos na ‘yun, tapos na iyong kabanatang ‘yun. 50 years na, ang ‘wag nating kalimutan itong 53 years na panloloko sa atin. Martial law, ilang taon lang ‘yun, 8 years, nakaganda pa nga. May pang-aabuso, siguro mga 10%, considering sa 53 years, 54 years na pang-aabuso nila. Ilang years na ‘yan? At kasalukuyang ginagawa pa nila, ang walang pakundangan pagpatay ng mga sundalo, mga police, mga sibilyan. ‘Yan ang inyong ipinamumudmod sa amin,” ani Pastor Apollo.

Inilahad din ng butihing Pastor ang kanyang personal na karanasan sa panahon ng martial law noon.

“Evangelist ako noon, Maribel. Lumilibot ako sa buong bansa ng mga panahong ‘yun. Wala man akong na-experience na masama. Maganda nga ang pagkalakad ko, wala. Parang walang martial law para sa akin. Basta’t law abiding ka lang, God-fearing, wala. Hanggang sa na-lift ang martial law. Kaya ako’y nagpapasalamat, ang tatay ko kung matatawag mo pa ngayon, Marcos Loyalist ‘yan, ang tatay at nanay ako. Sinabi ko na ‘yan kay Bongbong noong kumakandidato siya bilang senador na ‘yun ang bilin ng tatay ko na si Marcos talagang botong-boto siya,” saysay pa ng butihing pastor.

Samantala, muling binigyang diin naman ng butihing pastor na kung hindi idineklara ang martial law sa bansa ay posibleng isang komunistang bansa na ang Pilipinas.

Muling inilahad din ng butihing Pastor na hindi naman aniya dapat kalimutan din ang mga karahasan na ginawa ng gobyerno sa panahon ng pagpapatupad ng martial law, ngunit kung titimbangin ang bigat ng trahedyang dulot ng mga komunistang terorista sa bansa, na ilang milyong beses ang lala nito.

“Kung abuses ang pinag-uusapan, 8 years lang ang martial law. Pwede mong i-category ‘yung mga abuses na nangyari noong mga panahon na iyon ng mga sundalong abusado rin. At hindi naman inutos ng Pangulong Ferdinand Edralin Marcos iyon noong mga panahong iyon na mangabuso kayo. Son indibidwal na pang-aabuso iyon sa kanila. Pero hindi iyon ang doktrina ng militar natin. Hindi maiwasan mayroong mga ganu’n kasi batas militar iyon pero kung ihahambing mo sa pang-aabuso na ginawa ng CPP-NPA-NDF sa 54 years, ay wala sa katiting iyon na kanilang ikinakapital para ngayon ay magrebelde sila at ang pang-aabusong ginawa nila, dinoble nila ng million times iyong kinamumuhian nilang pang-aabuso daw ng martial law. Iyon ang ginawa nila 1 million times sa bansang Pilipinas for 54 years,” dagdag pa ni Pastor Apollo.

More in Kingdom News

Latest News

To Top