Connect with us

Pastor Quiboloy, positibong magagampanan ni VP Sara ang kanyang panibagong posisyon sa bansa

Pastor Quiboloy, positibong magagampanan ni VP Sara ang kanyang panibagong posisyon sa bansa

National News

Pastor Quiboloy, positibong magagampanan ni VP Sara ang kanyang panibagong posisyon sa bansa

Personal na dumalo sa inagurasyon ni Bise Presidente Inday Sara Duterte si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI.

“So glad to be here. Sa sarili nating lugar. So nandito kami sa Central Plaza ng Davao City harap ng City Hall Sangguniang Panglungsod upang saksihan ang panununmpa ni Mayor Sara,” ani Pastor Apollo.

Ayon kay Pastor Apollo, positibo siya na magagampanang mabuti ni VP Sara Duterte ang kanyang panibagong posisyon sa bansa.

“Talagang magaling siya at ako ang dadalangin para sa kanya na sa kanyang panunungkulang bilang VP natin at bagong Educational secretary, magtatagumpay ang lahat ng kanyang plano. Anytime andito naman ako sa kanya. Andito ako upang magbigay kung ano mang advice na gusto niya. Ready siya na puntahan ako at ang SMNI is the sounding board also. Not only PRRD but most specially Vice President Sara at incoming administration ni BBM, dagdag pa ng butihing Pastor.

Tiwala rin ang butihing pastor na magagawa nito ang kanyang mga ipinangako sa taong bayan.

Ikinagagalak at ipinagmamalaki rin ni Pastor Apollo na mula sa Mindanao ang uupo sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Nangako rin si Pastor Apollo na kanyang sususportahan ang anumang adhikain ng dating alkalde ng Davao para sa taong bayan.

More in National News

Latest News

To Top