Connect with us

Pastor Quiboloy sa Maid in Malacañang: Just and Fair

Pastor Quiboloy sa Maid in Malacañang: Just and Fair

National News

Pastor Quiboloy sa Maid in Malacañang: Just and Fair

Malinaw sa pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI na isa ngang must see movie ang Maid in Malacañang.

“Isa sa mga nakita kong hindi totoo ‘yung sinabi nu’ng isang broadcaster na wala daw’ng ‘sulo’ na dala nanag lumusob sa Malacañang. Eh kinuha ‘yung original na video noong nilusob sila, may mga sulo. So distortion na iyon, na sabi mo walang sulo. Eh totoo pala may sulo eh. Hindi natin alam iyon. Ang alam natin walang sulo noon. Oh ngayon, nababalik iyong talagang totoo. Kaya it’s just just and fair na tulad ng sinabi ni Sen. Imee na we will see the side of their story which I think is very credible because they were there present at that moment of time,” ani Pastor Apollo.

Ayon kay Pastor Apollo “unfair” kung hindi makikita ang panig ng storya ng pamilya Marcos na sa loob ng 36 years ay hindi man lamang naisapubliko kung ano ang nangyari sa kanila sa kasagsagan ng makasaysayang People Power Revolution kung saan napatalsik si Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pwesto.

Para kay Pastor Apollo ay wala siyang nakikitang distortion sa kasaysayan lalo na kung si Senator Imee Marcos ang magsasalita patungkol dito.

“Kaya ito, ang nakita natin, ‘yung bersyon ng mga Aquino pero hindi natin nakita ‘yung version—kasi wala na eh, wala na sila so ang namayagpag na magpapakita ng kasaysayan ay ‘yung mga pumalit—pero ito’y maganda rin na makita natin. HIndi ko pa nga napanood ang movie na ito pero tama ‘yung sinabi ni Sen. Imee. Ito ang pagkakataon na makita natin ang kanilang side, na noong panahon na iyon, sila ay napatalsik na, hindi sila kumibo eh.

Hindi sila nangatwiran at hindi sila nag-justify ng kanilang sarili kaya free for all ang mga pumalit–ang mga dilawan, lahat-lahat,” dagdag pa ng butihing Pastor.

Matatandaan na sa unang interview ni Senator Imee, na siya ring creative consultant ng Maid in Malacañang, na lahat ng kanilang ipinakita ay makatotohanan.

“Basta ‘yung sa outside Malakanyang, may creative license ang director …. It’s a work of truth,… na hangga’t maaari lahat ay truth at historically correct,” ani Sen. Imee Marcos.

Sa Maid in Malacañang, na dinerek ni Darryl Yap, ay showing na sa mga cinemas nationwide ay ipinapakita ang huling 3 araw ng Pamilya Marcos sa Palasyo ng Malakanyang bago sila lumisan ng bansa sa kasagsagan ng People Power Revolution noong 1986.

“Walang pinaka-credible na maaaring makapagsalita ng patungkol dito kundi si Imee o kaya si President Bongbong kasi sila iyong nandodoon nang mga panahong iyon. So fair lang na dapat nating pakinggan at panoorin ito at tayo na ang humusga kung anong totoo,” ani Pastor Apollo.

More in National News

Latest News

To Top