Connect with us

Pastor Quiboloy, saludo sa unang buwan ng Marcos admin hinggil sa war on drugs

Pastor Quiboloy, saludo sa unang buwan ng Marcos admin hinggil sa war on drugs

National News

Pastor Quiboloy, saludo sa unang buwan ng Marcos admin hinggil sa war on drugs

Pinuri ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI, ang unang buwan ng Marcos administration sa laban nito kontra iligal na droga.

“Wow, that’s really a praiseworthy. This is what we’ve talking about. Kahit kahapon ano, ‘nung sinabi ko mag ingat-ingat itong mga durugista, itong mga druglords, drug pushers dahil mabait ang ating Pangulong Bongbong Marcos hindi ibig sabihin na mahina siya.

Kudos to the accomplishment of the Marcos administration’s first month of seizing P904.85-M of these illegal drugs,” ani Pastor Apollo.

Sa unang buwan ng administrasyon ay nakakumpiska na ito ng nasa mahigit P904-m street value ng iligal na droga.

Bukod dito, nakapagsagawa na rin ang administrasyon ng mahigit 4,000 operasyon kung saan mahigit 5,000 ang naaresto habang mahigit 100 naman ang sumuko.

“Tingnan mo ang nangyaring ito 4650 law enforcement operations across the country, 5591 suspects arrested, 164 others surrendered July 1-31. Kudos, patuloy tayo dito kasi ito ‘yung source ng malalaking heinous crimes. Kaya ‘wag kayong mang-aabuso nang dahil sa kabaitan ng ating pangulo na nakikita ninyo,” saad pa ng SMNI Honorary Chairman.

Kaya naman muling nagpaalala si Pastor Apollo na ‘wag abusuhin ang kabaitan ng pangulo.

More in National News

Latest News

To Top