National News
Pastor Quiboloy, tiyak na makakatulong sa mga Pilipinong nasa laylayan
Buong suporta ang ipinahayag ng iba’t ibang sektor sa Tondo, Maynila para sa mga senatorial candidates ng PDP-Laban sa ginanap na “Ayusin Natin ang Pilipinas” campaign rally.
Sa gitna ng matinding suliraning kinahaharap ng bansa tulad ng kahirapan, kagutuman, kriminalidad, at pagtaas ng presyo ng bilihin naniniwala ang mga taga-Tondo na panahon na upang mailuklok sa Senado ang mga kandidatong tunay na kumakatawan sa boses ng masa.
Partikular ang kanilang tiwala kay Pastor Apollo C. Quiboloy, na ayon sa kanila ay may konkretong track record sa pagtulong sa mga mahihirap at may malasakit sa edukasyon, kalikasan, at kabataan.
Maging ang mga miyembro ng Muslim community, senior citizens, at kabataan ay nagpahayag ng kanilang paniniwalang kaya ni Pastor Quiboloy at ng buong Team Duterte na ibalik ang kaayusan sa bansa.
Ayon pa sa kanila, ang pagiging maka-Diyos at organisadong lider ni Pastor Quiboloy ang magpapatibay sa kanilang paninindigang siya ang nararapat ihalal bilang senador.
