Connect with us

Pasya ni BBM na pamunuan ang DA, welcome kay Agri. Sec. Dar

Welcome development kay outgoing Agriculture Secretary William Dar ang pasya ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na pansamantalang pamunuan ang Department of Agriculture (DA).

National News

Pasya ni BBM na pamunuan ang DA, welcome kay Agri. Sec. Dar

Welcome development kay outgoing Agriculture Secretary William Dar ang pasya ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na pansamantalang pamunuan ang Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Dar, ang pagprayoridad sa agrikultura ang isa sa unfinished businesses na dapat pagtuonan ni Marcos.

Inaasahan rin ni Dar na magkakaroon ng mas malaking pondo ang ahensya ngayong pamumunuan ito ni PBBM.

Sinabi ni Dar na naghanda na ang DA ng transition report na sumasaklaw sa short, medium, and long-term plans para mapabuti ang productivity ng key commodities gaya ng bigas at mais at iba pang fishery products.

Kasama rin dito ang mga programa upang madagdagan ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.

Samantala, naniniwala si Agap Party list Cong. Nick Briones sa panayam ng Sonshine Radio na mapagtutuunan ng pansin ng pangulo ang usapin sa smuggling at sobra-sobrang importasyon ng agricultural products.

“Sino ba ang maglalakas ng loob na meron diyan, mai-smuggle pa ng produktong agrikultura ay iyong kakalabanin ay mismong presidente ay sigurado may makakaloboso na ngayon, ‘yung importation, ‘di mo pwedeng lagyan, ‘yung atiing Presidente, naniniwala ako. Kaya gustong-gusto mag-import ng produkto, isda, bigas, eh may pera diyan eh. Pwede mo ba sabihin, ‘Presidente, mag-import tayo ng ganito, 200,000 tons, para meron tayong ganito, ganyan,” ani Briones.

Hunyo 20 nang inanunsyo mismo ni Marcos na pansamantala siyang uupo bilang DA Secretary sa pagsisimula ng kanyang administrasyon sa June 30.

More in National News

Latest News

To Top