National News
PATAFA, magbibigay-tulong sa Ukraine
Magpapaabot ng tulong ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa Ukraine.
Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng pangulo ng National Olympic Committee ng Ukraine at bise-presidente ng World Athletics na si Sergey Bubka.
Ayon sa PATAFA, nasa $1,000 ang halaga ng tulong ang ibibigay nito sa naturang bansa.
Ito ay habang naglulunsad din ng isang inisyatiba ang PATAFA upang suportahan ang mga refugee, mga inosenteng sibilyan, mga atleta at mga bata na nawalan ng tirahan na tinatawag na “Waging Peace for Athletes and Kids in Ukraine”.
Dagdag pa ng PATAFA na magpapatuloy ito sa mga pagsisikap na itaas ang tulong habang nagpapahayag din ng pakikiisa sa Ukraine.
Samantala, kung matatandaan si Sergey Bubka ay isang maalamat na pole vaulter na may ilang kasaysayan sa athletics dito sa Pilipinas.
