Connect with us

Patong-patong na petisyon sa taas-pasahe para sa pampublikong sasakyan, pinag-aaralan na ng LTFRB

Patong-patong na petisyon sa taas-pasahe para sa pampublikong sasakyan, pinag-aaralan na ng LTFRB

National News

Patong-patong na petisyon sa taas-pasahe para sa pampublikong sasakyan, pinag-aaralan na ng LTFRB

Patong-patong na petisyon para sa taas-pasahe ang pinag-aaralan ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na epekto ng walang tigil na taas presyo sa mga produktong petrolyo.

Iniulat ni LTFRB Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, na bukod sa hirit na pasahe sa jeep ay ihihirit na rin ang mga city at provincial bus at mga taxi.

Sinabi ni Guadiz na nagsabi na sa kanila ang mga bus operator na sila ay maghahain ng fare hike petisyon sa susunod na Martes, Aug. 29.

Ang mga taxi naman ay gusto na rin itaas sa P70 ang flag down rate mula sa P40.

Samantala, sa darating naman na Martes, Agosto 29 ay magpupulong ang LTFRB kaugnay sa hirit na P1 provisional increase sa jeep ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO).

Kasama rin sa pupulungin ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) at Stop and Go Coalition para sa P2 taas pasahe.

Magkakaroon naman ng hiwalay na pagdinig sa darating na September 15 para naman sa hirit na P5 taas pasahe.

Aminado ang LTFRB na posibleng matatagalan pang maaprubahan ang hirit na taas-pasahe ng mga jeepney groups dahil sa magkaiba ang gustong taas pasahe.

Mahaba aniya ang igugugol nila sa pag-aaral at sa oras makapag-desisyon ang board, ikokonsulta pa ito sa National Economic and Development Authority (NEDA) bago makapaglabas ng desisyon.

Punto ni Guadiz, kailangan itong balansehin na hindi maapektuhan ang mga pasahero na posibleng magdulot din ng pagtaas ng inflation sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top