Connect with us

PBBM, aapela sa Kamara na ihinto ang PI – SP Zubiri

PBBM, aapela sa Kamara na ihinto ang PI – SP Zubiri

National News

PBBM, aapela sa Kamara na ihinto ang PI – SP Zubiri

Muli na namang nagbigay ng pahayag ang Pangulong Bongbong Marcos kaugnay sa kontrobersiyal na people’s initiative (PI).

Pero ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, i-aapela ng pangulo ang pagpapahinto nito sa Kamara.

Nakahinga ng mas maluwag ang Senado matapos muling magsalita ang Pangulong Bongbong Marcos kontra sa PI.

Sa isang privilege speech sa Senado, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na aapela si Pangulong Bongbong Marcos sa Kamara at sa iba pang initiators na ihinto na ang pagsusulong nito.

Nasa malakanyang si Zubiri Lunes ng umaga, January 29, matapos siyang ipatawag ng pangulo bago ito tumulak patungong Vietnam.

Nauna nang inanunsyo ng Commission and Elections (Comelec) na sinuspinde na nila ang anumang aksyon kaugnay sa PI.

Sa kabila nito, sinabi pa rin ni Zubiri na hindi pa tapos ang laban kontra PI dahil suspindido o pansamantala lamang na inihnto ang anumang aksyon ng Comelec sa PI.

Ito ang dahilan kaya’t iimbestigahan pa rin daw ng Senado ang PI na pangungunahan ni Senadora Imee Marcos sa araw ng Martes, ika-30 ng Enero.

Asahang dadalo sa imbestigasyon ang mga testigo sa bilihan ng pirma mula sa ibat-ibang lugar, mga kinatawan mula sa ahensya ng pamahalaan na umanoy involved sa PI, at ang Comelec.

Batay naman sa impormasyon na natanggap ng Senado, may 43 legislative districts ang hindi pa nagsumite ng dokumento kaugnay sa PI.

Nangunguna rito ang mga lugar na maituturing na kilalang balwarte ng ilang senador.

Kabilang dito ang;

  • Marikina
  • Valenzuela
  • las Piñas
  • Malabon
  • Pasig
  • San Juan
  • Taguig
  • Ilocos Norte
  • Bulacan
  • Cavite
  • Bukidnon

At marami pang iba.

Nang tinanong naman kung paano na ngayon ang relasyon ng Senado at Kamara sa pagpasa ng mga batas sa gitna ng nangyayaring tensyon, ito ang sagot ni Zubiri.

“We will try to reach out leadership and see how we can get a consensus na trabaho muna tayo. Of course, hindi na siguro katulad nung dati na best of friends but how we can work for the people professionally,” ayon kay Senate President, Juan Miguel Zubiri.

More in National News

Latest News

To Top