Connect with us

PBBM at US Pres. Biden, nagkita sa New York

Nagkita na sina PBBM at US Pres. Biden kung saan tinalakay nila ang pagpapatuloy sa pagpapalalim ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos

National News

PBBM at US Pres. Biden, nagkita sa New York

Nagkita na sina Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr at US President Joe Biden kung saan tinalakay nila ang pagpapatuloy sa pagpapalalim ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos at iba pang mahahalagang usapin sa pagitan ng dalawang bansa.

“So, thank you again, Mr. President, for making time to see us. We are your partners, we are your allies, we are your friends. And in like fashion, we have always considered the United States our partner, our ally and our friend,” ani Pang. Marcos.

No description available.

Sa unang pagkakataon ay humarap sina Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. at US President Joe Biden sa New York.

Ayon kay Biden, nakikita nito ang kahalagahan na maipagpatuloy ang magandang relasyon ng Pilipinas at Amerika, partikular na sa milyung-milyong Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho sa Estados Unidos

No description available.

“The relationship between the United States and the Philippines, to state the obvious, has very deep roots. We’ve had some rocky times but the fact is it’s a critical, critical relationship from our perspective. I hope you feel the same way. And we have strong ties including millions of Filipino-Americans, who are very proud of their ancestry and desperately want us to continue to have a strong relationship,” saad naman ni US Pres. Joe Biden.

Sinabi din ni Biden na gusto niyang talakayin nila ni Pang. Marcos ang usapin ng COVID-19 recovery, energy security at renewable energy, Ukraine-Russia conflict, at human rights.

Batay sa inilabas na pahayag ng white house, nagkaroon din ng pagkakataon sina Pang. Marcos at Biden na talakayin ang usapin ng South China Sea, partikular na ang freedom of navigation and overflight at ang pagresolba ng girian sa teritoryo sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

Tinalakay din nila ang usapin ng krisis sa Burma at ang kahalagahan ng pakakaroon ng respeto sa karapatang pantao.

Samantala, sinabi din ng US president na marami pa ang pwedeng mangyari sa magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Kinilala naman ni Pang. Marcos ang mahalaga papel ng Amerika sa pagpapanatili ng kapayapaan, na kinikilala din ng mga bansa sa rehiyon, lalo na ng Pilipinas.

Binigyang diin din ng chief executive ang multifaceted relationship na mayroon ang Pilipinas at Estados Unidos.

No description available.

“We feel that we are especially fortunate because we have a very strong foundation of a very long relationship and strong relationships on various facets not only political, not only diplomatic, but also economic. And ofcourse there is the very large Filipino population that has chosen to live and make their lives here in the united states and have been very successful,” saad pa ng punong ehekutibo.

Pinasalamatan naman ni Pang. Marcos ang Amerika sa tulong nito sa Pilipinas noong panahon ng pandemya sa pamamagitang ng ibinigay nitong bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Pang. Marcos umaasa itong magpapatuloy ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at wala aniya itong tinitingnan na konsiderasyon kundi ang pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.

 

More in National News

Latest News

To Top